-- Advertisements --

Patuloy pa rin na nakaka apekto ang umiiral na hanging amihan sa extreme northern luzon.

Batay sa monitoring ng Bombo Weather Center, magdudulot ang amihan ng bahagyang maulap na kalangitan na may pakalat-kalat na mga pag-ulan sa bahagi ng Batanes at Babuyan Island.

Dito sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas rin ng bahagyang maulap na papawirin  na may panaka-nakang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil naman sa umiiral na easterlies at localized thunderstorm.

Posible rin ang mga pagbaha at pagguho ng lupa  dahil sa severe thunderstorm. 

Top