Inabot lamang ng ilang minuto ang nangyaring sunog sa isa sa mga high rise buildings sa lungsod ng Makati.
Ayon sa Bureau of Fire Protection–National Capital Region nangyari ang sunog sa rooftop ng building na nasa LP Leviste Street lungsod ng Makati.
Nagsimula ang sunog dakong alas-2:52 ng hapon hanggang sa itaas ito sa second alarm.
Makalipas ang mahigit 30 minuto ito ay dineklarang under control at pagsapit ng alas-3:48 ay tuluyan na itong na-fire out.
Sinasabing mga commercial establishment ang nag-ookupa sa 14 story na Vernida IV building, kasama na ang restaurant at iba pa.
Napansin naman ng Bombo Radyo ang pagkahulog ng mga basag na salamin mula sa itaas ng building.
Isang babae rin ang nirespondihan ng mga otoridad na inatake ng asthma.
Sa ngayon patuloy pang inaalam ng mga bombero ang pinag-ugatan ng naturang sunog.