-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bahagi ng bayan ng Sarangani, Davao Occidental ngayong Linggo ng madaling araw.

Sa datos mula sa Phivolcs, naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 352 kms sa timog-silangang bahagi ng nasabing bayan dakong alas-4:23 kanina.

May lalim na 14 kms ang nasabing lindol at tectonic ang pinagmulan.

Bagama’t malayo sa kalupaan ng Mindanao, asahan naman daw ang aftershocks matapos ang lindol.