Inihahanda ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang bahagi ng dolomite beach para sa mga turistang gustong mag-swimming.
Ayon kay DENR Acting Sec. Jim Sampulna, ito ngayon ang kanilang pinagkakaabalahan para hindi pumunta sa malalayong beach ang mga residente ng Metro Manila.
Sa ngayon ay finishing touches na lamang daw ang isinasagawa ng DENR sa nalalapit na opening pagkatapos naman ng mahal na araw.
Sakto lamang ito sa timing dahil kasagsagan ang pagbubukas sa dry season.
Inilalatag na rin daw nila ang karagdagang 100 meters na dolomite beach malapit sa Manila Yacht club.
Isinasapinal na rin ng DENR ang kanilang memorandum of agreement sa Department of National Defense (DND) maging ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) para sa request nilang dalawang kanyon mula sa Corregidor Island na ginamit noong World War II.
Ito raw ang isa sa magiging tourist attraction sa lugar.
Kahapon nang mag-ikot at nag-inspeksyon si Sampulna sa Manila Bay Dolomite Beach.
Ito ay upang masiguro na malinis at malinaw ang lugar.