-- Advertisements --
Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways na isasara para sa pagkukumpuni ang northbound lane ng EDSA-Roxas Boulevard flyover hanggang sa Disyembre 30.
Sinabi ni DPWH-Metro Manila Director Loreta Malaluan, ang pagsasara ay magbibigay daan sa paglalagay ng dalawang expansion joints.
Aniya, ito ay kasama sa retrofitting ng DPWH para na rin sa paghahanda sa The Big One.
Dagdag ni Malaluan na napakahalaga nito dahil kailangang mapatiba ang mga tulay para na rin sa kaligtasan ng commuting public.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang abala sa nasabing lugar.
Una na rito, ang iba pang posibleng mga kalsada na maaaring ayusin sa 2024 ay ang EDSA, Commonwealth at Congressional Avenues.