-- Advertisements --

Nasunog ang bahagi ng isang pampasaherong barko sa Port of Abra de Ilog sa lalawigan ng Occidental Mindoro kaninang umaga.

Batay sa datos ng Philippine Coast Guard , aabot sa 67 indibidwal na sakay ng naturang barko ang nailigtas.

Ayon sa PCG, nagsasakay lamang ng pasahero ang MV Roro Master 2 para sa ruta nito patungong Batangas nang magsimula ang sunog sa deck generator area bng barko.

Kaagad na nag deploy ang PCG ng mga tauhan nito para iligtas ang mga pasahero

Nakakuha rin ng karagdagang fire extinguisher ang rumespondeng PCG team sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Ports Authority (PPA) na tumulong sa pag-apula ng apoy.

Sa mabilis na pagtugon ng mga responders , nasagip ang 34 na tripulante at 33 pasahero mula sa nasusunog na barko.

Nailigtas din ng mga awtoridad ang 21 rolling cargoes sa barko.

Naapula naman ang naturang apoy pasado alas 9:20 ng umaga habang wala namang naitalang nasugatan o nasaktan sa naturang insidente.