BUTUAN CITY – Dinipensahan ng Department of Tourism (DoT) Caraga ang Sugba Lagoon sa may Caob Island sa bayan ng del Carmen, Siargao Island, Surigao del Norte na subject sa post ng singer na si Yeng Constantino matapos maaksidente ang kanyang asawang si Yan Asuncion nitong nakalipas na araw.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni DoT-Caraga regonal Director Ma. Ana Nuguid na ang bahagi ng Sugba lagoon kung saan nag-cliff diving si Asuncion ay strictly prohibited.
Ito umano ang dahilan na bago ang tour sa nasabing bahagi ng lagoon ay may ginawa pang orientation briefing sa lahat ng mga turista upang kanilang malaman ang mga do’s and don’ts dito.
Nilinaw din ng director na walang dapat na ikababahala sa post ni Constantino dahil nakakatulong umano ito sa promosyon sa dahilang mas dadayuhin ito ng mga turista lalo na ang mga mahihilig sa mga extreme activities.