Binuksan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Linggo Hulyo 18 ang unang bahagi artificial white sand ng Manila Bay sa Roxas Boulevard.
Ayon sa DENR na bukas lamang ito ng hanggang Hulyo 20 at maaaring makapasok lamang sila mula alas-9:00 hanggang alas-11:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon
Papayagan lamang ang 120 katao at hanggang limang minuto lamang sila magtatagal sa lugar.
Papayagan ang mga menor de edad na mayroong kasamang nakakatanda ganun din ang mga senior citizens.
Mahigpit din na ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang alagang hayop at bawal ang pagdala ng pagkain, pag-inom at ang pagkuha ng dolomite sand.
Pinagbabawal pa rin ng DENR ang paliligo sa Manila Bay dahil hindi pa nito narating ang tamang level ng fecal coliform.
May itinalagang marshalls sa lugar para matiyak na nakasuot ng facemask at faceshield ang mga namamasyal at naipapatupad din ang social distancing.