-- Advertisements --

Sumiklab ang sunog sa Manila Central Post Office.

Pasado alas-dose ng hating gabi nitong Lunes ng sumiklab sa ibabang bahagi ng nasabing opisina.

Itinaas na sa ikatlong alarma ang sunog kung saa patuloy na inaapula ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection.

Nagtulong-tulong na ang mga bumbero mula sa karatig na lungsod ng Maynila para tuluyang maapula ang sunog sa nasabing gusali.

Patuloy na inaalam ng BFP ang naging sanhi ng nasabing sunog ganun din ang mga pinsala.