-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon bandang alas-5:11 ngayong hapon lamang.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang epicenter ng lindol sa silangan ng Castillejos, Zambales.

Naramdaman naman ang Intensity 5 sa San Felipe, Zambales, gayundin sa Makati City at sa Quezon City.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PHIVOLCS Dir. Renato Solidum, tectonic in origin o may paggalaw ng faultline ang sanhi ng pagyanig.

Kabilang sa matitinding napinsala sa lindol ang St. Catherine Parish Church sa Porac, Pampamga kung saan ilang bahagi nito ay gumuho.

EQ Porac

Samantala, isang welcome arc naman sa Pampanga ang bumagsak ang ilang bahagi dahil sa lakas ng pagyanig.

EQ Pampanga

Ilang bayan na rin sa Pampanga at Bataan ay walang koryente dahil sa lindol habang ang LRT at MRT ay nagsuspinde na rin ng operasyon hanggang ngayong gabi para sa gagawing technical inspection.

Kanina rin, nagsilabasan ang mga tao sa Kamara de Representantes at Bonifacio Global City sa Taguig City sa kasagsagan ng lindol.

EQ HOR
EQ BGC

Dahil sa suspensyon ng operasyon ng LRT at MRT, libu-libong pasahero ang stranded ngayon lalo pa’t nataon sa “rush hour” ang lindol.