-- Advertisements --

MANILA – Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos madiskubre na mataas ang “fecal coliform” ng tubig na sakop ng Pasig River sa Maynila.

Ang fecal coliform ay isang uri ng bacteria na matatagpuan sa dumi ng hayop at tao.

Ayon sa DENR, kapag mataas ang fecal coliform level ng tubig, ibig sabihin malaki ang tsansa na mayroon itong mga bacteria na mapanganib sa tao.

“Coliform bacteria grow in the digestive tracts of human and other warm-blooded animals, and serve as indicators of fecal contamination and as marker for other possibly pathogenic microorganisms,” paliwanag ng Environment department.

Sa ginawang water quality monitoring ng DENR sa bahagi ng Pasig River na malapit sa Delpan Bridge sa Maynila, natukoy na umabot sa 17-million most probable number (mpn) per 100 milliliters ang fecal coliform ng tubig.

Higit ito sa standard ng ahensya na 200 mpn/100ml para sa Class C Waters.

Ang tubig naman sa bahagi ng kalapit na Navotas Shipyard, nasa 540,000 mpn/100ml. Mataas din mula sa 100 mpn/100ml na standard para sa Class SB Waters.

“This means the stations indicate human or animal waste contamination from various residential and commercial areas.”

Naniniwala ang kagawaran na ang pinapakawalang tubig ng mga bangka at dumi mula sa mga informal settlers ang sanhi ng mataas na fecal coliform level sa mga lugar.

‘KONTAMINADONG TUBIG’

Bukod sa mataas na fecal coliform, natuklasan din ng DENR na mataas ang antas ng “biochemical oxygen demand (BOD)” ng tubig sa naturang bahagi ng Pasig River.

Mula sa standard na 7-milligrams (mg) per liter, umabot sa 74 mg/L ang sukat ng BOD.

Importanteng masukat ang BOD para malaman ang antas ng polusyon sa tubig.

Nagsisilbi rin daw itong batayan para malaman ang kapasidad na malinis ang kontaminadong tubig.

“It measures the rate of oxygen usep up by microorganisms in a sample water at a fixed temperature (20 degree Celsius) and over a given period of time in the dark.”

Mataas din ang “dissolved oxygen (DO)” ng tubig sa mga sinuring lugar.

Mula sa standard na 5 mg/L, nasa 1.13 mg/L ang antas sa Pasig River. Habang 3.74 mg/L ang sa Navotas Shipyard (standard: 6 mg/L).

Ang dissolved oxygen ay ang sukat ng hangin sa tubig. Mahalaga ito para sa mga hayop na nakatira sa ilalim ng mga anyong tubig.

“Algae and other rooted acquatic plants can contribute to the increase in concentration of DO in water through photosynthesis.”

“Less DO results to less oxygen an aquatic life can get. This will result to death of marine mammals, plants, and other aquatic organisms.”

Natuklasan din ng Environment department na mataas ang antas ng chloride at phosphate sa bahagi ng Pasig River,

Umabot sa 1,860 mg/L ang level ng chloride sa tubig, mula sa standard na 350 mg/L.

Samantalang 2.35 mg/L ang phosphate level nito, mula sa standard na .5 mg/L.

“Chlorides are not usually harmul to people; however, the sodium part of table salt has been linked to heart and kidney disease.”

“Phosphate is a nutrient essential for the metabolic reaction of plants and animals. Once it enters the ground water or a stream, it quickly bonds to soil particles, making it temporarily unavailable to living organisms.”

Sinabi naman ng ahensya na nasa 6 mg/L ang dami ng langis at grasa sa tubig ng Navots Shipyard, mula sa standard na 2 mg/L.

Ang ginawang inspeksyon ng DENR ay bahagi ng programa para sa rehabilitasyon ng Manila Bay, na siyang nasa dulo ng Pasig River.

Noong Pebrero nang sabihin ng kagawaran na patuloy na bumababa ang fecal coliform sa Manila Bay.

“We will make sure that we continue to clean the waters of Manila Bay until it becomes safe again for contact activities,” ani Environment Sec. Roy Cimatu.