-- Advertisements --

Nakontrol na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nangyaring sunog sa bahagi ng Philippine General Hospital sa lungsod ng Maynila.

Mag-alas-6 ng umaga ng sumiklab ang sunog sa audio visual room ng bahagi ng medicine research office building.

Dakong 6:07 ng umaga ng itaas ang unang alarma at 6:21 ng umaga ng itaas ang ikalawang alarma ng BFP.

Dahil sa nasabing sunog ay inilabas ang mga pasyente na nasa out patient department.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.