-- Advertisements --

Sumiklab kaninang hapon ang sunog sa isang bahagi ng Philippine General Hospital sa Maynila.

Dahil dito , pinalabas muna ng pamunuan ng ospital ang mga pasyente sa cancer ward nito habang inaapula ng sunog .

Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot ito sa ikatlong alarma.

Idineklarang fire under control pasado alas 3:32 ng hapon habang patuloy pa na inaalam ng BFP ang sanhi ng nangyaring sunong.

Sa ngayon ay wala pa ring datos kung may mga nasaktan sa naturang insidente.

Pansamantala na ring isinara sa mga motorista ang kahabaan ng Padre Faura Street sa UN Avenue, Maynila dahil sa sunog sa naturang ospital.