Pormal nang inilunsad ng pamahalaan ang One Hospital Command Center (OHCC), na ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez ay “giant leap forward” sa COVID-19 response.
Binigyan diin ni Galvez na malaki ang maitutulong ng programang ito sa coordination ng mga ospital at referral ng mga COVID-19 patients sa iba’t ibang health facilities, gayundin sa pagtitiyak sa pagkakaroon ng sapat na hospital beds.
Dito ay mas ma-maximize ang paggamit sa mga treatment at isolation facilities, at para mabawasan din aniya ang waiting time ng mga pasyente sa kanilang admission sa mga ospital.
Tiwala si Galvez na sa pamamagitan nito ay maibababa ang mortality rate ng COVID-19 patients.
Dahil dito, ilalaan aniya ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang bahagi ng kanilang pondo para gamitin sa OHCC.
Samantala, naniniwala naman si Department of Health Sec. Francisco Duqe na maiiwasan na ang pagkapuno ng mga ospital at mapapabuti ang integration ng health care delivery dahil sa sistemang ipapatupad ng command center.
Tinawag naman din ni testing czar Vince Dizon na maganda ang timing nang paglulunsad ng OHCC lalo pa at maraming mga ospital ngayon ang nagdedeklara ng “full capacity” bunsod ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.