Nagbigay ng abiso sa mga motorista ang Manila Police District-Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) na iwasan ang southbound lane ng Roxas Boulevard, mula Katigbak Druve hanggang P.Ocampo, dahil isasara nila ito upang doon ganapin ang “Songkrun Run4UrLife” festival bukas.
Hindi maaaring dumaan dito ang mga sasakyan mula 4:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi.
Nakiusap din ang MPD-TEU na sundin ang kanilang traffic rerouting scheme:
1.) Ang mga sasakyan na manggagaling sa Bonifacio Drive na nagbabalak dumaan sa southbound lane ng Roxas Blvd. ay kinakailangan kumaliwa sa P. Burgos Ave.
2.) Ang mga sasakyan na manggagaling sa Jones, McArthur at Quezon bridges na nagbabalak dumaan sa southbound lane ng Roxas Blvd., ay kinakailangan diretsuhin ang Taft Ave.
3.) Ang mga sasakyan na manggagaling sa westbound lane ng P. Burgos Ave., ay kinakailangan kumanan sa Bonifacio Drive o di kaya’y mag U-turn sa eastbound lane ng P. Burgos Ave.
4.) Ang mga sasakyan na manggagaling sa westbound lane ng TM Kalaw St. na papuntang Roxas Blvd., ay kinakailangan kumaliwa sa MH del Pilar St.
5.) Ang mga sasakyan na manggagaling sa westbound lane ng U.N Ave. na papuntang Roxas Blvd., ay kinakailangan kumaliwa sa MH del Pilar St., o maaaring dumaan sa Roxas Blvd. service road.
6.) Ang mga sasakyan na manggagaling sa westbound lane ng P Ocampo St., na nagbabalak dumaan sa southbound lane ng Roxas Blvd. ay kinakailangan kumaliwa sa FB Harrison.
7.) Ang mga sasakyan na papunta o manggagaling sa Manila Ocean Park/H20 Hotel at Manila Hotel ay kinakailangan gamitin ang Katigbak Drive bilang access road.