NEW YORK, USA – Kinumpirma ni dating US President Donald Trump na tuluyan nang hindi naibalik ang maliit na bahagi ng kaniyang tenga na tinamaan ng bala nang siya ay barilin ng isang 20-anyos na salarin nitong weekend sa Pennsylvania.
Kwento ni Trump, agad naman siyang nai-secure ng Secret Service matapos ang assassination attempt.
Pero dahil sa pagnanais umano ng mga security personnel na maproteksyunan siya, naging mabilis na ang galaw ng mga ito at natanggal pa ang kaniyang sapatos.
Pagbabahagi pa ng dating pangulo, gusto pa sana niyang magsalita-nang-magsalita, ngunit kinailangan nang umalis sa naturang lugar.
Nagtamo rin si Trump ng galos sa kaniyang braso na nakuha nito sa matapos ang pagyuko at bahagyang pagdapa.
Sinabi nito na dadalo siya sa libing ni Corey Comperatore, ang isa sa mga nanood ng kaniyang talumpati na nadamay sa pamamarili.
Muli namang nagpasalamat ang dating pangulo sa patuloy na sumusuporta sa kaniya, sa kabila ng nangyari sa Pennsylvania.