-- Advertisements --

Ikinakabahala ng independet research group na OCTA ang nakitang bahagyang pagtaas sa mga naitalang COVID-19 cases sa nakalipas na linggo.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, base sa datos ng Department of Health (DOH) kahapon, Abril 3, 690 ang bagong COVID-19 cases.

Bagama’t bahagyang mas mataas ito sa average na 400 cases sa mga nakalipas na linggo, sinabi ni David na hindi pa naman ito dapat ika-alarma.

Gayunman, mahigpit aniya nilang binabantayan ang metrics at sinisikap ding matukoy kung bakit nagkaroon ng pagtaas.

Pero para kay David, maaring resulta lamang ito ng backlog sa datos, nagkaroon ng pagluwag sa pagsunod sa health protocols, humihina nang immunity ng mga bakunado o marami pang iba.

Paglilinaw ni David, hindi pa maituturing na indikasyon na mayroon na namang panibagong surge.