Kinumpirma ng Philippine Statistic Authority na nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa farmgate price ng palay noong buwan ng Mayo.
Batay sa tala ng ahensya, ito at pumalo ng ₱24.81 ang kada kilo ng produktong palay na katumbas ng halos 1.2% na monthly increase .
Mas mataas ito ng halos 30.2% o katumbas ng farmgate price na naitala noong nakalipas na taon sa halagang ₱19.06 per kilo.
Naitala naman ang pinakamataas na farmgate price sa Region 6 o Western Visayas Region.
Umabot sa ₱27.76 per kilo ang naging bentahan nito o farmgate price sa nasabing panahon.
Pinakamababang farmgate price naman ng Palay ang naitala sa Eastern Visayas na pumalo lamang sa ₱19.56 per kilo.
Positibo naman ang naging year-on-year growth rates ng lahat ng rehiyon sa bansa para sa nasabing buwan.