-- Advertisements --
Ipinapaubaya na ng Malacañang sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang ano mang hakbang sa pagsusubasta ng mga alahas ng pamilya Marcos.
Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea, naabisuhan na nila ang PCGG na kanilang binibigyan ng “freehand†sa kung paano maididispatsa ang Marcos jewelries.
Ayon kay Sec. Medialdea, diskresyon na ng PCGG kung ibebenta o ipapa-auction ang mga alahas.
Una na ring sinabi ng Malacañang na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na matiyak na may pakinabang ang mga Pilipino sa mga alahas ng mga Marcoses matapos kumpirmahin nitong Huwebes na may “go signal” na siya para sa gagawing pagsubasta.