-- Advertisements --
Tinanggihan ng gobyerno ng Bahamas ang proposal ng transition team ni US president-elect Donald Trump na doon ilagay ang mga migrants na mapapalayas sa Amerika.
Ayon kay Bahamian Prime Minister Philip Davis na kanilang pinag-aralang mabuti ang nasabing panukala at kanila itong hindi sinang-ayunan.
Wala aniya silang resources at kakayanan para ma-accomodate ang nasabing hiling ng US.
Magugunitang nanindigan si Trump na sa pagsisimula ng kaniyang termino sa Enero ay uunahin niyang papalayasin ang mga iligal migrants na naninirahan sa US.
Base sa pagtaya ng Department of Homeland Security na aabot sa 11 milyon na mga hindi otorisadong katao ang naninirahan sa US mula pa noong 2022.