-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Isang bahay kasama ang isang bakery ang natupok ng apoy sa Barangay San Roque, Biliran, Biliran.

Ayon kay Lt. Antonio Salas, ng Biliran munical police station, na batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon na nagmula ang sunog sa bahay na inuupahan ng nagngangalang Jose Ricaplaza na taga negros occidental.

Mabilis naman na kumalat an naturang apoy sa katabi nitong bakery.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng BFP-Biliran ay nasa P180,000 ang inisyal na danyos sa naturang sunog.

Patuloy din na inaalam ng mga otoridad kung ano ang naging dahilan ng naturang insidente.