-- Advertisements --
KORONADAL CITY- Patuloy pang inaalam sa ngayon ng mga kasapi ng Bureau of Fire Koronadal ang naging dahilan ng nangyaring sunog sa lungsod ng Koronadal sa kasagsagan ng pagsalubong ng pasko.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay SFO1 Alden Mallorca, Logistics Unit Officer ng BFP Koronadal umabot sa humigit kalahating milyon ang inisyal na danyos ng nangyaring sunog kung saan tatlong mga gusali ang tuluyang natupok ng apoy.
Ayon kay SFO1 Mallorca, ito rin di umano ang nag-iisang malaking sunog na nangyari sa loob ng buwang ito.
Patuloy rin ang pananawagan ng kanilang pamunuan sa lahat ng mga mamamayan na mag-ingat lalung-lalo sa kayong abala ang lahat sa mga pagdiriwang ngayong buwan ng Disyembre.