-- Advertisements --
Sultan Kudarat Map

KORONADAL CITY – Umabot na sa humigit-kumulang 60 tahanan ang nasira sa pananalasa ng buhawi sa Tacurong City sa Sultan Kudarat.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Barangay San Pablo Tacurong City Kapitan Rudy Jacob, sa kanilang lugar ay nasa 30 mga bahay ang sinira ng buhawi.

Karamihan aniya sa mga ito ay nadaganan ng malalaking puno ng kahoy at pinakaapektado sa kalamidad ay ang Muslim community.

Sa Barangay San Emmanuel naman sa nasabing siyudad, ayon sa barangay kapitan na si Kat Bagan, nasa 30 bahay din ang nasira ng buhawi ngunit masuwerteng walang naitalang patay.

Hindi rin nakaligtas ang ilang paaralan gaya ng San Emmanuel National High School Annex at Abang Suizo Elementary School na winasak din ng buhawi.

Sa ngayon, nananawagan ng tulong ang mga opisyal ng nasabing mga barangay para sa kanilang mga apektadong residente.