-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot na halos 60 na mga kabahayan ang sinira at inanod ng lampas tao na baha sa 3 barangay sa bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Ito ang kinumpirma ni Kapitan Merilo Cordero ng Brgy. Daguma, Bagumbayan, Sultan Kudarat sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Barangay Cordero, ang nabanggit na mga bahay ay hindi na maaaring balikan pa ng mga reaidente dahil sa halos wasak, sira at hindi na mapapakinabangan.

Sa katunayan may ilang kabahayan na halos bubuntan nalang ang natira.

Kaugnay nito, daan-daang mga bakwit pa rin sa ngayon ang nananatili sa barangay gym dahil wala na silang babalikang bahay.

Nabigyan naman ang nga ito ng mga food packs ang iba pang gamit ngunit pinagpaplanuhan pa ang pagsasaayos ng kanilang nga nasirang tahanan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang clearing operation kung saan pahirapan pa rin ang pagkuha ng mga nakahambalang putol na mga puno ng kahoy, mga basura at maging ang putik na iniwan sa pag-subside ng baha.

Sa ngayon ay nananawagan ng tulong ang mga residente sa lugar. Matatandaan na ang pagkakasira ng dam ay dulot ng walang humpay na buhos ng ulan sa probinsiya.