-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Lumabas sa pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection o BFP Cauayan na ang paglalaro ng posporo ang sanhi ng pagkakasunog ng isang bahay sa barangay District 1, Cauayan City.

Ang nasunog na bahay sa Christine Village, District 1, Cauayan City ay pagmamay-ari ni Ginoong Fernando Delapaz, may asawa, at isang driver.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay FO1 Liann Grace Ferrer, tagapagsalita ng BFP Cauayan City na hindi muna isasarado ang kaso dahil natuklasan nilang naputulan ng kuryente ang pamilya Delapaz at sa ngayon ay masusi pa nilang sinisiyasat ang anggulong mayroong mga batang naglaro ng posporo malapit sa nasabing bahay.

Mayroon anyang nakita ang mga imbestigador na nagkalat na mga posporo sa nabanggit na lugar..

Sa ngayon ay hinihintay pa ng BFP Cauayan ang nasunugan ng bahay kung magsasampa ng kaso sa sinumang mga naglaro ng posporo.