-- Advertisements --

Emosyonal ang mga residente ng Barangay 877 at 878 sa lungsod ng Maynila habang pinapanood ang demolition team na winasak ang kanilang mga bahay sa Paco Roman Street at Syquia Street.

Nagkaroon ng tensyon sa lugar habang naglalagay ng barikada ang mga residente para pigilan ang demolition team na sirain ang kanilang mga bahay sa harapan ng mga tauhan ng Manila Police District.

Ayon sa mga awtoridad, ang lugar kung saan ginawa ang mga bahay ay isang pribadong pag-aari.

Naglabas na rin ang Korte Suprema ng pinal na kautusan para sa pagtatanggal ng mga istruktura sa lugar.

Tiniyak naman ng may-ari na magbibigay ito ng cash assistance sa mga apektadong pamilya.

Nagkalat naman sa gilid ng kalsada ang mga gamit ng ilang residente habang tinitingnan ang kanilang bahay na sinisira.

Problemado naman ito kung saan sila tutuloy ngayong wala na silang tirahan na uuwian.