-- Advertisements --

Inatake ng mga armadong kalalakihan ang bahay ng defense minister ng Afghanistan.

Nagresulta sa walong katao ang nasawi sa nasabing pag-atake sa Kabul.

Mapalad lamang si defense minister Bismillah Khan Mohammadi dahil wala ito sa kaniyang bahay noong nangyari ang insidente.

Agad na inilikas ang mga kaanak nito habang apat sa mga suspek ang napatay ng mga nakabantay na sundalo.

Inako ng Taliban ang nasabing pang-aatake sa bahay ng defense minister.

Lumakas ang puwersa ng Taliban sa Afghanistan matapos na tanggalin ng US ang kanilang mga sundalong nakatalaga sa nasabing bansa.