-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Malaki ang paniniwala ni Mayor Victor Samama ng bayan ng Datu Piang, Maguindanao na pulitika ang motibo sa pagpapasabog ng 40 MM grenade launcher sa bahay nito.

Ayon kay Samama, dalawang 40 millimeter ang pinasabog mula sa malayo kung saan naniniwala ang opisyal na isang M79 grenade launcher ang ginamit matapos tamaan ang function hall ng kaniyang sariling bahay.

Mabuti na lamang at walang nasaktan sa dalawang pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa pamilya ng alkalde at mga kapitbahay.

Hindi naman inaalis ni Samama na may kinalaman sa nalalapit na halalan kung saan siya kandidato para sa ikalawang termino.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari at inaalam ang responsable sa pagpapasabog.