-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Agad na inilibing ayon sa Islamic tradition ang isang opisyal ng Barangay Affairs Unit ng provincial government ng South Cotabato matapos na mapatay sa isinagawang operasyon ng mga otoridad.

Kinilala ni Police Major Joseph Forro III, chief police ng Banga PNP ang suspek na si Allan Abdulah, dating Barangay Kagawad at residente ng Barangay Lamba, Banga, South Cotabato.

Ayon kay Forro, nanlaban si Abdullah at unang nagpaputok sa operating team nang pinasok ang bahay nito dala ang search warrant kaya’t nagkaputukan na nagresulta sa pagkasawi nito.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang dalawang baril, tatlong gramo ng pinaniniwalaang shabu at ang red plate na sasakyan na pag-mamay-ari nag provincial government.

Napag-alaman na nasa target list ng PDEA-12 si Abdullah at matagal na umanong iniuuganay sa illegal na droga.