-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nahaharap sa patong-patong na kaso ang barangay chairman ng Calang, Dueñas, Iloilo matapos na lusubin ng mga awtoridad ang kanyang bahay dahil sa pagtatago ng mga armas na wala umanong papeles.

Ang arestado ay si Punong Barangay Joewinny Giganto, 59.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Jess Baylon, pinuno ng Criminal Investigation and Detection -Iloilo City Field Unit, sinabi nito na nahaharap si Giganto sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Republic Act 9516 o Possession of Explosives.

Bahagi umano ang nasabing operasyon sa kampanya ng pulisya kontra ilegal na armas.