-- Advertisements --

LAOAG CITY – Binulabog ng mga putok ng baril ang bahay ng dating barangay kagawad at tumakbo sa pagka-barangay chairman na si Fred Eda sa Barangay Libtong, Bacarra, Ilocos Norte.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP-Bacarra, mistaken identity ang nangyari dahil ang traget dapat umano ng mga hindi pa nakikilalang suspek ay si Mr. Nestor Eda, kapatid ni Fred Eda.

Nabatid na si Mr. Nestor ay security guard ng alkalde sa nasabing bayan na si Mayor Nicomedes dela Cruz.

Ayon kay Mr. George Lazo, ang manugang ni Nestor, nang mangyari ang pamamaril ay siya ring madalas na oras na umuuwi ang kanyang biyenan na lalaki gailng sa trabaho.

Inihayag niya na nang mangyari ang pagpapaulan ng bala sa bahay ni Fred Eda ay nagkataon namang hindi umuwi ang biyenan.

Maliban dito, sa bahay pa umano ni Nestor ang lugar kung saan binobola ang magiging resulta ng Small Town Loterry (STL).

Samantala, nakarekober ang mga otoridad ng ilang bala ng cal. 45 na baril at M16 armalite matapos ang pangyayari.