-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nagyaring pagsabog ng vintage bomb sa bahay ng dating provincial administrator sa Antique.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Rex Farren, hepe ng Sibalom Municipal Police Station, sinabi nito na sumabog ang isang vintage bomb sa compound ng bahay ni Eric Otayde.

Ayon kay Farren, lumabas sa imbestigasyon ng Explosive and Ordnance Division na posibleng nakabaon ang vintage bomb sa compound ni Otayde.

Ngunit duda si Otayde dahil may nakita umanong nakamotorsiklo sa labas ng kanilang bahay na posibleng naghagis ng granada.

Napag-alalaman na si Otayde ay mahigpit na kritiko ni Antique Gov. Rhodora Cadiao.