-- Advertisements --

Sinimulan na ng Israeli military ang pagsira sa tunnel system ng Hamas at 14 na bahay ng mga commanders ng Palestinian militant group.

Pinaulanan ng dose-dosenang bomba gamit ang Israeli jets ang mga nasabing lugar.

Hamas Israel IDF
IDF photo

Kabilang sa nasira ang health clinic sa Gaza City dahil sa Israeli airstrike.

Ang Ministry of Health sa Gaza ay ang main coronavirus testing center sa nasabing lugar.

Pinuri naman ni Prime Minister Benjamin Netanyahu ang ginawa ng Israel Defense Forces.

Sinasabing palaging humihingi ng karagdagang update si Netanyahu sa mga pangyayari lalo pa’t iniutos nito na ipagpatuloy ang karahasan laban sa Hamas militants.

Nauna nang sinabi ni Brigadier General Hidai Zilberman, IDF spokesperson na 80 hanggang 90 percent ng rocket manufacturing capacity ang kanilang nasira sa Gaza kabilang na ang engineers at developers. (with reports from Bombo Jane Buna)