-- Advertisements --

Hindi pa matukoy ng militar at pulisya kunh ano ang motibo sa naganap na pagsabog sa bahay ng isa sa mga mayor ng Sulu sa may Bienvenidos Drive, Brgy Canelar Moret, Zamboanga City nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Wesmincom spokesperson Major Arvin Encinas, tinitignan nila ang lahat ng anggulo kung ano ang motibo sa pagsabog at bakit sa tapat pa ng bahay ni Mayor Taib Astri ng Pangutaran, Sulu ang pinuntirya ng hindi pa tukoy na suspek.

Batay sa report isang improvised Explosive Device ang sumabog pero walang mga shrapnel.

Ligtas naman ang kalagayan ni Mayor Astri at wala din naiulat na damage o nasugatan sa insidente.