-- Advertisements --

KALIBO , Aklan – Nilooban ng mga menor de edad ang bahay ng isang konsehal sa isla ng Boracay.

Ang biktima ay kinilalang si Malay Sangguniang Bayan member Datu Yap Sumdad, residente ng nasabing lugar.

Nabatid na walang tao sa bahay ng konsehal nang looban ito ng mga menor de edad at kabilang sa natangay ang isang flat screen TV.

Samantala, sa isinagawang follow-up operation ng Malay Police Station, naaresto ang isang Jessie Apolinario, 31, isang habal-habal driver at tubong Brgy. Cayangwan, Makato, Aklan at pansamantalang naninirahan sa Sitio Bung-aw, Brgy. Manocmanoc, Boracay.

Siya ang itinuturong nagtutulak sa mga batang may edad 14 hanggang 15 anyos na magnakaw.

Nakuha sa kanyang bahay ang ninakaw na telebisyon ng konsehal, subalit depensa nito na nabili niya ito sa mga bata sa halagang P800.