-- Advertisements --
Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng Hollywood couple na sina Nicole Kindman at Keith Urban.
Ayon sa mga otoridad na itinawag na lamang ng isa sa mga empleyado ng actress ang nadiskubre nitong panloloob sa bahay nila sa Los Angeles.
Pinagbabasag umano ng mga magnanakaw ang kanilang bintana at maging ang pintuan ay kanilang sinira.
Naabutan pa umano ng isa nilang empleyado ang suspek at ito ay mabilis na tumakas.
Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.