-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Bago ang pagsapit ng bagong taon ay ginulantang nang pagsabog ang probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Pikit chief of police Major Mautin Pangandigan, dalawang hindi nakilalang suspek ang naghagis ng granada sa tahanan ng negosyanteng si Hyder Manibpal sa Brgy Inug-ug, Pikit, North Cotabato.

Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa pamilya ni Manibpal at mga kapitbahay.

Bago ito noong nakalipas lamang na araw ay hinagisan din ng granada ang bahay ni Manibpal ngunit maswerteng hindi sumabog.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa magkasunod na panghahagis ng granada sa tahanan ng negosyan.