-- Advertisements --

DAVAO CITY – Natangay ng magnanakaw ang tinatayang nasa P200,000 na halaga ng pera na pagmamay ari ng isang sundalo na si Kenn Ralp Medida Cain, 23-anyos, may asawa at residente ng Block 11 Lot 14, Veterans Village 1 Malagamot, Panacan. Ito’y matapos na nilooban ng hindi pa kilalang magnanakaw ang kanilang bahay.

Ayon sa biktima, nadiskubre na lamang nito na sira na ang pinto sa may kusina habang pwersahan namang sinira ang pintoan sa kanilang master’s bedroom kung saan itinago nito ang P200,000 na halaga ng pera.

Kabilang sa mga tinangay ang isang packbag na nagkakahalaga ng P4,000. Niluoban din nga magnanakaw ang tindahan ng biktima kung saan iilang pakete ng sigarilyo ang tinangay.

Samantala, ayon sa nakasaksi na si Maria Cicille Lipasan, bandang alas 12:10 ng tanghali, ng mapansin nito ang isang lalaki na lumabas sa bahay biktima at tangay nito ang pulang bag habang tumatakas sa likod na bahagi ng bahay.