-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nagdulot ng takot sa pamilya ng isang lokal na opisyal sa probinsya ng Cotabato nang paputukan ng mga hindi kilalang suspek ang kanyang tahanan.
Ayon kay Antipas Cotabato Vice-Mayor Cris Cadungon na pinaputukan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan ang kanyang bahay at target mismo ang kwarto nito.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Buti na lamang at nakadapa ang Bise-Alkalde at hindi tinamaan habang ligtas ang kanyang pamilya.
Duda si Cadungon na politika ang dahilan ng pamamaril sa kanyang tahanan dahil may plano itong tumakbong Alkalde sa nalalapit na 2022 election.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Antipas PNP sa naturang pangyayari.