-- Advertisements --

Ni-raid ng FBI ang bahay ng YouTube star Jake Paul.

Isinagawa ang raid sa bahay ni Paul sa Los Angeles na pinangunahan ng mga armadong swat team.

Wala noon sa kaniyang bahay si Paul, kung saan nakakuha ang mga otoridad ng mga iba’t-ibang klase ng kalibre ng baril.

Ang nasabing raid aniya ay may kaugnayan sa kinakaharap ni Paul na kasong looting sa Arizona at ang pagsasagawa nito ng party na isa umanong paglabag sa public health orders.

Ang 23-anyos na si Paul ay mayroong mahigit na 20 million followers sa YouTube.

Magugunitang noong Hunyo ay inaresto ito sa Scottsdale, Arizona sa kasagsagan kilos protesta sa pagkamatay ng black American na si George Floyd.

Inalmahan nito ang nasabing kasong isinampa sa kaniya.
Binatikos rin si Paul noong Hulyo dahil sa pagsasagawa ng party sa bahay nito sa Calabasas kung saan walang suot na face mask at hindi sumunod sa social distancing ang mga ito.