-- Advertisements --

Ibinunyag ni Bayan Muna Representative Neri Colmenares na binisita siya ng Commission on Human Rights sa kaniyang bahay.

Nagsagawa umano ng inspeksyon ang CHR sa kaniyang bahay sa Bagong Silangan, Quezon City at walang nakuhang anumang supersitibong dokumento.

Sinabi nito na noon pang Pebrero inimbitahan niya ang CHR sa kaniyang bahay at dahil sa ipinatupad na quarantine measures ay nitong Martes lamang ito natuloy.

Kasama ni CHR inspector Rommel Tinga ang ilang mga mamamahayag at bawat sulok ay kanilang sinaliksik at walang nakuhang anumang dokumento na nag-uugnay sa pag-aklas sa gobyerno.

Nakiusap na rin ito sa mga uniformed men at ilang opisyal ng gobyerno na tigilan na ang red-tagging sa mga progresibong grupo at maging ilang mga artista na nagpapahayag lamang ng kanilang mga saloobin.