-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Gagawin nang museum ang bahay ng namatay na si Cardinal Jaime Sin sa bayan ng New Washington, Aklan.

Ayon sa Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP), nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa gitna ng Diocese of Kalibo at Serviam Foundation na nagsisilbing custodian ng bahay.

Nilagdaan ang MOA matapos ang misa na pinangunahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos noong Agosto 31 kasabay ng ika-95 taon na kaarawan ni Cardinal Sin sa Manila Cathedral.

Lumagda sa MOA sina Msgr. Rolando dela Cruz at Fr. Rufino Sescon Jr. ng Seviam Foundation; Bishop Jose Corazon Tala-oc at si Fr. Justy More ng Historical Research, and Cultural Council ng Diocese of Kalibo.

Inihayag ni Fr. More na layunin ng Diocese sa paglipat nito bilang museum na ma-preserve ang iniwan ni Cardinal Sin at upang maturuan ang mga susunod na henerasyon ukol sa kaniyang buhay teachings.

Nabatid na sinimula na ang three-year preparation sa bahay ni Cardinal Sin para sa ika-50 taong anibersaryo sa 2026.

Target ng Diocese na ilagay sa museum ang koleksyon ng ecclesiastical artifacts at archival materials.