-- Advertisements --
Nilooban umano ang bahay ni WBC middleweight champion Julio Cesar Chavez Jr. sa Los Angeles kung saan natangay ang halos $750,000 na halaga ng jewelry at iba pang mahahalagang mga gamit.
Naniniwala si Chavez, 34, na ang pagnanakaw ay nangyari noong nakaraang linggo habang wala ang pamilya.
Sinasabing dumaan umano ang mga magnanakaw sa pamamagitan ng kanilang bathroom.
Inamin naman ng ilang law enforcement sa TMZ, kinumpirma raw ni Chavez at misis nito na si Frida na kabilang sa natangay ay ang taguan ng pera na nagkakahalaga ng $600,000 pati mga jewelry at designer purses.
Ito ay liban pa sa mga kagamitan na nagkakahalaga ng $150,000.