-- Advertisements --
Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ni Dallas Mavericks star Luka Doncic.
Ayon sa mga kapulisan ng Dallas na aabot sa mahigit $30,000 na halaga ng alahas o katumbas ng mahigit P1.6 milyon ang nakuha ng mga kawatan.
Sinabi ng kaniyang business manager na si Lara Beth Seager na walang tao sa bahay ng Mavs star noong nangyari ang pagnanakaw.
Si Doncic ang pinakahuling atleta na nabiktima ng mga kawatan kung saan noong Oktubre ay pinasok din ang bahay ni Kansas City Chiefs quarterback Patrick Mahomes at tight end Travis Kelce.
Ilang mga NBA players din ang pinasok ng mga magnanakaw ang kanilang bahay gaya nina Mike Conley Jr ng Minnesota Timberwolves at Milwaukee Bucks forward Bobby Portis.