-- Advertisements --

Kabilang ang bahay ni Presidential Communications Office (PCO) chief Cheloy Garafil sa mga naapektuhan ng naganap na sunog sa  Barangay Batasan Hills, Quezon City noong Miyerkules ng gabi.

Nagsimula ang sunog pasado alas 8 ng gabi kahapon mula sa isang duplex house at ito ay kumalat sa mga katabing bahay.

Tumanggi namang magbigay ng komento si Garafil hinggil sa naturang insidente.

Samantala, isang 67 anyos na residente ang nagtamo ng third degree burns sa kanyang kamay kayat ka agad itong dinala sa pinakamalapit na ospital para mapagamot ayon sa BFP.

Tatlong pamilya naman ang naapektuhan ng nasabing sunod.

Alas 10:44 ng gabi ng ideklara ng BFP ang fire out

Tinatayang aabot sa humigit kumulang P7 million ang halaga ng mga ari-ariang napinsala .

Patuloy ring inaalam ng BFP ang naging sanhi ng sunog.