-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Pennsylvania State Police sa umanoy alegasyon ng arson sa bahay ni Governor Josh Shapiro.
Natutulog ang pamilya ng gobernador ng mangyari ang insidente kaya agad silang lumabas at lahat sila ay ligtas.
Base sa imbestigasyon ng Harrisburg Bureau of Fire nangyari ang sunog sa bahay ng gobernador dakong alas-dos ng madaling araw.
Malaking bahagi ng bahay ang labis na nasira dahil sa sunog.
Nag-alok na rin ang kapulisan ng $10,000 na reward sa sinumang makakapagturo sa nagsadyang nagsunog ng bahay ng gobernador.