DAVAO CITY – Kabilang ang bahay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Taal St. sa Brgy. Bangkal sa lungsod sa mga apektado dahil sa pagbawas ng malakas na ulan kagabi.
Una nito, personal na binisita ni Davao City Vice Mayor Baste Duterte ang mga residente sa lugar na temporaryong nasa Saint Lord Parish matapos na hindi na ito pinauwi sa kanilang mga bahay.
Kung maalala, malapit lamang sa ilog ang bahay ng Pangulo sa Bangkal kung saan hindi lamang ito ang unang beses na nakaranas ito ng matinding pagbaha.
Sa nasabing bahay din kadalasan na umuuwi ang Pangulo kung darating ito sa lungsod mula sa Maynila.
Samantala ipapatupad ngayong araw ang suspensiyon ng klase sa ilang paaralan sa lungsod matapos ang naranasan na malakas na ulan.
Isang pamilya naman ang inilipat na lamang sa isang tent ang burol ng kanilang kamag-anak na namatay matapos na binaha ang kanilang bahay.
Sinabi rin ni Rodrigo Bustillo, head ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), patuloy pa ang kanilang ginagawang assessment sa insident lalo na at may mga bahay na winasak at inanod ng malakas na pagbaha.