-- Advertisements --

Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng sikat na TV host na si Ellen DeGeneres at partner nitong si Portia de Rossi sa California.

Ayon sa Santa Barbara County Sheriff Office, na tinaarget ng magnanakaw ang bahay dahil alam niyang celebrity ang may-ari nito.

Hindi naman matiyak kung magkano lahat ang halaga ng nakuha na kinabibilangan ito ng mga mamahaling alahas at mga relo.

Magugunitang nabili ni Ellen ang nasabing 8,188 square-foot na nagkakahalaga ng $27 million noong nakaraang taon.

Pinayuhan naman ng mga kapulisan ang mga celebrities na naninirahan sa lugar huwag mag-post sa social media kung saan sila naroon gaya ng pagbakasyon sa ibang lugar.