-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Tinatayang aabot sa halos P94,000 ang danyos sa nasunog na bahay sa Sitio Lagatik, Barangay Poblacion, New Washington, Aklan.

Ayon kay FO1 Deomar R. Leyson ng Bureau of Fire Protection (BFP)-New Washington, naabo ang tirahan ni Florites Datulayta, sa legal na edad at isang biyuda makaraang nilamon ito ng apoy sa mahigit kalahating oras na sunog.

Nakipaglibing aniya ang may-ari ng bahay kung saan, nakalimutan nito na kunin sa saksakan ang electric fan at ito ngayon ang pinaniniwalaang pinagmulan ng apoy.

Samantala, pinaalalahanan naman ni FO1 Leyson ang mga mamamayan na maging responsable sa mga appliances sa bahay lalo na kung hindi na ito ginagamit.