-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Maswerteng nakaligtas ang isang pamilya matapos tamaan ng kidlat sa kanilang bahay kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sa Brgy. Julita, Libacao, Aklan.

Ayon sa biktimang si John Peter Zubiaga, buong araw na walang suplay ng kuryente sa kanilang bayan dahil sa isinagawang clearing operation ng Aklan Electric Cooperative o Akelco.

Bandang alas-4:00 na umano ng hapon nang bumalik ang kuryente kung saan napag-pasyahan nilang mag-charge ng cellphone subalit hindi inaasahan ng pamilya na masasapol ng kidlat ang kanilang bahay.

Lubhang tinamaan ang outlet kung saan naka-charge ang kanilang mga cellphone.

Ang naturang insidente ay nag-iwan rin ng pinsala sa kanilang outlet at pagkalasug-lasog ng kanilang wiring.

Maliban dito, nagtamo rin ang biktima ng paso at nakaramdam ng pamamanhid sa kaniyang braso habang ang kaniyang kapatid naman ay hindi halos maigalaw ang leeg.

Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin ang biktima na hindi sila napuruhan kun saan itinuturing niya na rin itong pangalawang buhay.